May nakapagsabi sa akin na ang punong dahilan ng aking pagkakabagot sa buhay ay ang kakulangan ng interes na harapin ang kakaiba. Sa ilang banda, ito'y may katotohanan. Takot nga akong yumakap sa pagbabago. Lalong takot ako sa ipis, sa multo, sa tunog ng latang pinupunit, sa unano at sa mabaho. Marami pa akong pwedeng idagdag sa listahan ngunit habang sinusulat ko ito, naisip ko, siguro hindi ito ang "kakaiba" na tinutukoy ng kaibigan ko.
Ano nga ba ang kahulugan ng kakaiba? At paano nagiging iba ang isang bagay, o tao, o sitwasyon?
Kakaiba ako. I am different from the rest of the world. Ang magsabi sa aking may kapareho ako sa mundo, yung tunay at eksaktong kapareho di lamang sa itsura kundi sa salita, personalidad at diwa, ay tutukan ko ng baril sa ulo sabay hila sa bayag. OO, inisip kong lalaki ang magsasabi sa akin nito. Kung bakit, hindi ko alam. Marahil nadala lang ako ng kakapanood ko ng mga panayam kay Kris Aquino sa telebisyon. Kasing drama ng buhay niya ang buhay ko. Maaring may pagkakapareho kami sa ganang di kami nag-iisip muna bago magsalita. Kaya pareho rin kaming nagkakaproblema sa aming pagiging taklesa. Ngunit, dito nagtatapos ang pagkakapareha namin. Because unlike her, I would never go back to my mom to hide under her skirt when a man breaks my heart. O sige, sabihin na nating isusumbong ko siya sa nanay ko kung kinakailangan. Ngunit sa edad na 32, mali naman atang ang nanay at kapatid ko pa ang magplantsa ng gusot na pinasukan ko.
Balik tayo sa usapang kakaiba. Ibig sabihin ba nito, dahil sa unique ang ideas ko and di eksakto ang molde ng katauhan ko sa iba eh kakaiba ako? Marahil. Kung ganito ang lohikang susundan ko (di ko sinasabing ito lang ang pwedeng dahilan sapagkat alam kong marami. but for the purpose of this discussion I stick to one), ganoon nga ako. At kung gagawan ko ng karugtong ang sinabi kong takot ako sa kakaiba, tama lamang na sabihin kong takot ako sa sarili ko. (May philosophical fallacy bang involved sa sinabi ko?)
*to be continued
tell me something i don't know
One foot infront of the other, through leaves, over bridges
0 Comments:
Post a Comment
<< Home